Lector Duties | Might Be Helpful

Paano Labanan ang Fake News

June 19, 2018
Paano Labanan ang Fake News

H’wag maging biktima ng fake news. Maging mas matalino kaysa dito! Narito ang ilang mga paraan upang labanan ang fake news:

Labanan ang Fake News
Mahirap dahil mapanlinlang ang mga URL na ginagamit ng mga fake news site. Isang letra lamang ang idadagdag, aalisin o babaguhin at sino ba talaga satin ang gustong gawing libangan ang pagkakabisa ng URL? Dito papasok ang hindi lamang karapatan,, kundi responsibilidad ukol sa katotohanan. Kung hindi tayo sigurado sa nabasa, sapat na sigurong ikaw na lang naloko? H’wag na itong i-share pa sa iba.
Labanan ang Fake News
I-Google ang inyong mga pipupuntahang sites kung kasama ba sa listahan ng mga fake news. Hindi lamang CBCP ang naglabas ng ganitong listahan. Karaniwan din sa mga nabubukong fake news sites ay nag-iiba kaagad ng URL.
Labanan ang Fake News
Gusto mo ba laging maging una sa mga balita? Normal sa atin ‘yan. Ngunit ang mga balitang hindi totoo ay tsismis lang. ‘Wag maging tsismosa online.
Labanan ang Fake News
Mag-ingat sa mga nababasa online na isinulat na tabloid-style. Hindi ito karaniwang ginagawa ng mga lehitimong tagapagbalita.
Labanan ang Fake News
Lalo na sa mga nagaganap pa lamang na mga istorya, ugaliing tignan kung kailan isinulat at isinapubliko ang balita.
Labanan ang Fake News
Gamitin ang teknolohiya. Ginagamit ang teknolohiya upang magmanipula ngunit maaari din natin itong gamitin upang magsuri ng katotohanan.

 

Labanan ang Fake News
Gamitin ang mga fact-checking sites, mga mabisang paraang kung paano labanan ang fake news. Karaniwang makikita dito ang mga viral na posts at ang katotohanan sa likod ng paksa at mga detalyeng inilahad dito.  At sa mga nagkakalat ng chain messages? Fake news din po ‘yan.

Kasing tanda ng unang kasalanan ang fake news. Ang pagsugpo dito nang tuluyan ay parang pag-asam na masugpo lahat ng kasinungalingan at panlilinlang sa mundo. Sabi nga, “There is no darkness in social media. There is darkness in the society.” Ang simpleng pagclick at pagshare natin ng impormasyon on line ay may hindi matatawarang epekto sa kung paano natin hinuhubog ang ating kaisipan at ang lipunang ating ginagawalan. Bahagi ng pagiging responsableng mamamayan ang hindi pagpapaloko sa mga fake news.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *