Lector Duties

Parokya ni Santiago Apostol ng Paombong Nagsagawa ng LecCom Renewal Seminar

March 26, 2018
Santiago Apostol Paombong LecCom Renewal Seminar

Santiago Apostol Paombong LecCom Renewal SeminarBULACAN – ” Kapag tumayo kayo sa ambo, dapat para kayong pag-ibig na nagkatawang tao!” pahayag ni Reb. P. Leopoldo “Paul” Evangelista sa 126 na myembro ng Ministri ng Tagapagpahayag at Tagapagpaliwanag ng Salita ng Diyos o Lectors and Commentators (LecCom) ng Parokya ni Santiago Apostol sa Paombong, Bulacan, ika-24 ng Pebrero, 2018.

Sa isinagawang LecCom Renewal Seminar sa covered court ng St. Martin de Porres Catholic School, tinalakay ni P. Paul ang espiritwalidad na dapat taglayin ng isang naglilingkod sa simbahan sa paraan ng isang lektor kasama ng mga gampanin at tungkulin na kaakibat nito.

Binanggit dinĀ  ni P. Paul ang paghingi ng tulong sa Diyos upang mapagtagumpayan ang mga tuksong madalas ay kaakibat ng paglilingkod. “Ang pakiusapan ang tukso na lumayo, malabo. Ikaw ang lumayo sa tukso at humawak sa Diyos!”

Sa ikalawang panayam naman na ibinigay ni Sis. Guia Margarita San Gabriel, LecCom Coordinator ng Kanlurang Distrito ng Diyosesis ng Malolos, tinalakay ang ilang mga paalaala sa bawat bahagi ng misa na kinapapalooban ng paglilignkokd ng isang lektor.

Isinunod ang open forum pagkatapos ng ikalawang panayam. Nagtapos ang kalahating araw na seminar sa mensahe at pagbabasbas na pinangunahan ng kura paroko na si Reb. P. Anacleto Ignacio.

 

Photo (left) Credit: Jeanne Aerielle

Leave a Reply